Climate change mitigation, adaptation mangunguna sa agenda ng PBBM admin

0
288

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kanina na ang resiliency at adaptation ng Pilipinas sa “new normals” ng climate change ay mangunguna sa pambansang agenda ng kanyang administrasyon.

Ibinigay ni Marcos ang katiyakan sa isang talumpati na binigkas niya sa 2022 multi-stakeholder forum na inorganisa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Diamond Hotel sa Maynila.

“As your President, I assure you that our environment and our country’s resiliency and adaptation to the new normals of climate change are on top of the national agenda. We ensure that the initiatives we will take will enable us to become smarter, more responsible, more sustainable in all that we do,” he said during the opening of the DENR’s three-day forum.

“The road ahead will be long and it will be tough, but we must stay strong and accept that it will be a battle that we all must wage, and even more importantly, it’s a battle that we must win,” dagdag niya.

Pinuri ni Marcos ang DENR sa pagbubuo ng isang forum na nagtitipon ng iba’t ibang stakeholder na inaasahang makikipagtulungan sa ahensya at iba pang mga kagawaran ng estado upang gumawa at magpatupad ng mga programa tungo sa klima, disaster resilience at sustainable development.

Aniya, tiwala siya na ang forum ay magsisilbing plataporma para matukoy ng mga kalahok ang “”unique at shared” na mga hamon ng bawat sektor, palakasin ang kooperasyon, gayundin ang pangangalap ng impormasyon sa mga prayoridad upang maisali sa agenda ng polisiya ng DENR at sa multi- year Roadmap for Programs, Activities and Projects.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo