Clinic hinoldap, 12 biktima iginapos sa Cavite

0
302

Silang. Cavite. Hinoldap ang dalawang establisyemento kabilang ang isang klinika sa bayang ito.

Ayon sa imbestigasyon, dumating ang mga suspek sa lugar ng insidente lulan ng dalawang sasakyan na Revo at Adventure. Una nilang pinasok ang Puremed Inc. kung saan ay nagkunwari silang mga kliyente. Nagdeklara sila ng holdap at tinutukan ang mga empleyado at inutusang pumasok sa loob.

Kasunod nito ay lumipat ang mga suspek sa Magnifident Inc. na katabi lamang ng Puremed Inc. at nagdeklara ng holdap. Iginapos ang mga empleyado kabilang ang isang doktor at mga pasyente ng klinika bago sila naghalughog sa loob.

Ang mga biktima na kinilalang sina Paul Igloso, Ralph Robin Gevaña, Thalia Marie Gevaña, Lolita Casis, Jocelyn Delmo, Janeth Domingo Tan, Dr. Carmen Deleon, associate dentist; Paul Atienza, Emmanuel Digo, Hazel Joy, Jose Enrico, at Theodan Lim, ay iginapos at puwersahang kinuha sa kanila ang mga personal nilang kagamitan gaya ng mga cellphones, wallet, laptop, camera at ibang ari-arian ng kumpanya na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang na P371,100. .

Sinira ng mga suspek ang DVR at kinuha ang hard drive ng CCTV ng dalawang establisimyento bago sila umalis. 

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.