Clinical trial ng bakuna laban sa omicron variant sinimulan ng Pfizer

0
494

Sinimulan ng Pfizer at BioNTech ang isang clinical trial para sa ng Covid-19 vaccine partikular sa Omicron, ayon sa isang news release kahapon.

Susuriin ng pag-aaral ang bakuna para sa kaligtasan, tolerability at level of immune response para sa primary  at booster dose mula sa 1,420 malusog na nasa adult na may edad 18 hanggang 55 na nahahati sa tatlong grupo.

“While current research and real-world data show that boosters continue to provide a high level of protection against severe disease and hospitalization with Omicron, we recognize the need to be prepared in the event this protection wanes over time and to potentially help address Omicron and new variants in the future,” ayon kay Pfizer Senior Vice President and Head of Vaccine Research and Development Kathrin Jansen

Sinabi ni Pfizer CEO Albert Bourla noong nakaraang buwan na magkakaroon ng bagong bakuna para sa omicron variant sa Marso. Kinumpirma din sa spokesman ng Pfizer na nagsisimula na ang nabanggit na kumpanya sa paggawa nito.

Gayunpaman, binigyang-diin din ng Pfizer na ang mga taong nakatanggap ng booster doses ng kasalukuyang Pfizer vaccine ay “may mataas na antas ng proteksyon laban sa Omicron, lalo na laban sa malubhang sakit at hospitalization.”

Batay sa bagong preprint lab study ang antibodies laban sa Omicron variant ay nananatiling matatag apat na buwan pagkatapos ng booster dose ng bakuna ng Pfizer/BioNTech.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.