Close encounters with spy drones

0
304

Kasunod ng pagpapabagsak ng isang Chinese spy balloon sa baybayin ng South Carolina noong isang linggo, tatlo pang hindi pa matukoy na objects ang pinasabog sa airspace ng Alaska sa Lake Huron at Yukon, Canada.

Isang unidentified object na kasing laki ng kotse ang lumipad sa sa Alaska sa “sensitive military sites” noong Pebrero 10. Mas mababa lipad nito at mas maliit kaysa sa Chinese spy balloon, ngunit ang makukulit na headline, hindi ang size ang tinatanong tungkol sa apat na unidentified flying object (UFO).

Ang tanong ay ano ang mga ito? Spy balloons, drones o aliens? Wala pang inilalabas na sagot at paliwanag ang United States kung ano nga ang mga pinabagsak nilang flying objects. Sa ngayon, lumulutang ang mga fake news na ang mga ito daw ay galing sa ibang planeta.

UFO ang termino para sa aerial phenomenon na ang pakay o pagkakakilanlan ay hindi malinaw sa tumitingin. Maaaring gawang lokal sa mundo o galing sa ibang planeta ang UFO. Basta hindi matukoy ang anumang bagay na lumilipad sa ere, UFO ang tawag doon.

Sa aking palagay, spy drones ang mga iyon ng alinman sa mga bansang hindi kakampi ng US gaya ng China, Russia at North Korea na may malakas na kapasidad sa modern technology. Hindi ko naman minemenos pero ang Iran, Syria, Iraq, Libya at Mexico, bagaman at hindi rin naku-kyutan sa Amerikano ay wala pa sigurong advance na kaalaman sa paggawa ng spy UFO.

Kung ang mga iyon ay extraterrestrial talaga, basta na lang ba pasasabugin ni Uncle Sam sa ere? Paano kung may backup na mothership at rumesbak? 

Kung susuriin ang Copernican principle ni Carl Sagan, ang  extraterrestrial intelligence (ETI) ay mas mataas na katalinuhan kaysa sa tao. Maaaring nadaig na nila ang speed of sound o na-solve na nila ang fourth dimensio. Malaki ang posibilidad na nakalampas na sila sa kultura ng giyera. Dahil dito, malakas din ang paniniwala ko na hindi tayo dadayuhin ng aliens sa panahon ngayon. Malamang, takot sila sa atin. Warfreaks kasi tayo. Mula noong 2,700 B.C. sa Mesopotamia sa giyerang Sumer vs Elam hanggang ngayon ay kabi kabila pa rin ang giyera ng mga bansa.

Kasali ako sa naniniwala na sa infinite universa ay may iba pang nilikha bukod sa atin. Walang duda, may mga sibilisasyong mas maunlad kaysa sa daigdig sa ibang lugar sa universa na daan daan o libo libong lightyears ang layo sa atin. Baka sakaling makipag-contact sila sa atin kapag nagapi na natin ang ating mga kahinaan – pagiging makasarili, kawalan ng pasensya, sobrang ego, bad anger management, selos, kaduwagan, pagkakaisa sa katangahan, bulag na pag asa at marami pang iba.

“How do we expect to communicate with ET, when we can’t even understand one another?”

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.