Coast guard officer pinagbabaril sa balkonahe ng biyenan

0
424

Indang, Cavite. Patay agad ang isang Philippine navy matapos pagbabarilin habang nasa balkonahe ng bahay ng kanyang biyenan sa bayang ito sa lalawigan ng Cavite kahapon ng hapon.

Ayon sa report ni Col. Christopher Olazo, director ng Cavite Provincial Police Office, kinilala ang biktima na si  Philippine Coast Guard (PCG)  officer Randolph Val Siega.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, sinabi ni Olazo na si Siega ay nasa terrace ng bahay ng biyenan nitong si Fernando Panganiban Sr. sa Brgy. Banaba Cercana ng paputukan ito ng baril na tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima. 

Kinilala naman ang suspek na si Razon Creus alyas Jerry, 55 anyos, na ayon kay Olazo ay kamag anak ng asawa ni Siega.

Agad na naaresto ang suspek sa ikinasang hot pursuit operation ng Indang Municipal Police Station (MPS) habang patakas ito sa lugar.           

“The quick response of the tracker operatives we’re able to capture the suspect who was prepa­ring for his escape,” ayon kay Olazo.

Narekober mula sa suspek ang murder weapon na isang baril na kalibre 38, mga bala at Armscor m200 revolver. 

Samantala, iniutos ni Olazo sa Indang MPS na bumuo ng special investigation team upang tumutok sa imbestigasyon sa nabanggit na insidente. 

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.