Colorum buster, ikinasa sa Biñan City

0
411

Biñan City, Laguna. Madaling araw kaninang umaga, may ilang shuttle service na umiikot sa lungsod na ito, at nag aalok ng libreng sakay sa mga pasahero. 

Bagamat may bumabyahe pa rin na ilang jeep, minabuti ng lokal na pamahalaan ng Biñan na maghatid ng libreng sakay sa kanilang mga nasasakupan.

Nakipag-ugnayan din ang Public Order and Safety Office (POSO) ng Biñan LGU sa JODAI Federation at nangakong magbibigay ng biyahe kung kinakailangan para sa mga apektado ng tigil pasada.

Inaasahan din ng POSO ang biglang pagsulpot ng mga colorum na tricycle na magsasamantala at maniningil ng biglang taas na pasahe kaya naman nagsasagawa sila ng anti-colorum campaign ngayong araw kasama ang Biñan Tricycle Franchising and Regulatory Board (BTFRB) sa lahat ng pangunahing kalsada ng lungsod.

Nananawagan rin sila sa publiko na sumakay lamang sa mga lehitimong TODA.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.