Comelec checkpoints, gun ban mula Enero 9 hanggang matapos ang election period

0
455

Sta. Cruz, Laguna. Sisimulan ng Laguna PNP ang paglalagay ng isa o mahigit pang 24/7 Comelec checkpoint sa bawat lungsod at bayan sa lalawigan na ito mula Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022 upang ipatupad ang Comelec firearms ban bilang pagsunod sa Resolution 10741 ng Comelec.

Ayon kay PNP Laguna Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo, ang hakbang na ito ay naglalayong itaguyod ang peace and order sa panahon ng kampanyahan na magsisimula sa Pebrero 8, 2022 para sa national elections at Marso 25,2022 para sa local elections.

Sinabi din ni Campo na hindi pahihintulutan ang pagdadala ng baril sa panahon ng kampanyahan sapagkat lahat ng gun permit ay pansamantalang sinuspinde ng Comelec hanggang Hunyo 30, 2022.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.