Comelec, ‘di makikialam sa nilalaman ng campaign poster ng kandidato

0
58

MAYNILA. Nilinaw ng Commission on Elections (Comelec) na hindi ito makikialam sa nilalaman ng mga campaign poster ng mga kandidato, maliban na lamang kung ito ay naglalaman ng hate speech, diskriminasyon, o pekeng impormasyon.

Ginawa ang pahayag ni Comelec Chairman George Garcia matapos kumalat sa social media ang isang campaign poster ng tumatakbong senador na ginamitan ng logo ng kanyang dating unibersidad. Umani ito ng batikos mula sa ilang netizens na kwestiyonable umano ang paggamit ng institusyon sa materyal na pangkampanya.

Ayon kay Garcia, batay sa karapatan sa malayang pagpapahayag o freedom of expression, may hangganan lamang ang pakikialam ng Comelec sa kung ano ang nilalaman ng campaign materials ng mga kandidato.

“Kung may reklamo, ang dapat maghain ng reklamo ay ang paaralan mismo. Hindi kami puwedeng makialam kung hindi ito lumalabag sa batas,” ani Garcia.

Gayunpaman, nilinaw niya na kung ang campaign poster ay may mapanirang nilalaman, nagpapalaganap ng diskriminasyon, o malinaw na nagpapakalat ng maling impormasyon, maaari nang umaksyon ang komisyon.

“Kapag hate speech, discrimination o fake news, puwede naming atasan ang kandidato na tanggalin o ipa-take down ang poster,” dagdag pa ni Garcia.

Patuloy na pinaaalalahanan ng Comelec ang mga kandidato na maging responsable sa kanilang mga campaign materials at tiyaking naaayon ito sa batas at etikal na pamantayan ng pangangampanya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.