Comelec: Kumpleto na ang printing ng 90M BSKE ballots

0
456

Naimprenta na ang mahigit 90 milyong opisyal na balota na gagamitin sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) kanina.

Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na natapos na ang pag-imprenta ng 90,613,426 official ballots sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

“The ballots numbering over 90 million have been 100 percent printed. Those in the initial voters’ list have already been fully printed,” ayon sa kanya sa Laging Handa briefing.

Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, natapos na ang pag-imprenta ng 90,613,426 official ballots sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.

Kasama sa bilang ang kabuuang 66,973,949 barangay ballot at 23,639,477 SK ballots na gagamitin sa Oktubre 30 na botohan.

Tinatapos na ngayon ng poll body ang bilang ng mga voters applications.

Sa ilalim ng Voter’s Registration Act, lahat ng aplikasyon para sa pagpaparehistro ng botante ay dapat dinggin, iproseso, at aprubahan ng Election Registration Boards (ERBs).

Iniulat din ni Laudiangco na ang iba pang mga poll supplies at paraphernalia ay naihatid na at handa na para sa deployment.

Kakailanganin lang na magsagawa ng pagsasanay para sa mga magsisilbing miyembro ng Electoral Boards (EBs), ayon sa kanya.

Ang Republic Act 11935, na ipinasa ng Kongreso at nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay inilipat ang Disyembre 5, 2022 na botohan sa barangay at kabataan sa huling Lunes ng Oktubre ngayong taon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.