Comelec: Maayos ang kickoff ng lokal na kampanya sa ngayon

0
363

Wala pang malaking aberya ang naiulat sa pagsisimula ng 45-araw na panahon ng kampanya ng mga lokal na kandidato, ayon sa Commission on Elections (Comelec) kanina.

“Compared to previous elections, the infractions of the candidates seem to be so far manageable and within the expectations that we set. (Compliance with) health protocols and compliance with our campaign guidelines are our continuing plea to them and to their supporters,” ayon kay Commissioner George Erwin Garcia said sa kanyang mensahe sa mga reporters.

Pinaalalahanan din niya ang mga kandidato at kanilang mga taga suporta na maging maingat sa mga guidelines sa kampanya na itinakda ng Komisyon.

Tinanong ng media kung handa na ba silang magsampa ng motu proprio charges laban sa mga lumabag sa kampanya, sinabi ni Garcia, “Oo. Ang kaseryosohan ng ating pasiya ay hindi dapat maliitin ng lahat.”

Mayroong kabuuang 18,023 lokal na puwesto ang nakahanda sa darating na lokal na halalan.

Sa bilang, 253 ay para sa mga miyembro ng House of Representatives, tig-81 pwesto para sa provincial governor at vice-governor, 782 miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, 1,634 seats para sa city/municipal mayor at vice mayor, at 13,558 seats para sa lungsod/ mga konsehal ng munisipyo.

Sinabi rin ng poll body na ang Cebu ay nasa top ng listahan ng 10 lalawigan na may pinakamataas na bilang ng mga rehistradong botante, na 3,288,778.

Sinundan ito ng Cavite na may 2,302,353; Pangasinan, 2,096,936; Laguna, 2,045,687; Bulacan, 2,007,523; Negros Occidental, 1,946,639; Batangas, 1,819,071; Iloilo, 1,628,752; Rizal, 1,601,962 at Pampanga, 1,589,473.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.