Comelec nagbabala hinggil sa money ban sa barangay at SK elections

0
119

Binigyang-diin ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang paalala ukol sa pinapatupad na “money ban” sa mga Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), na may hanggang P500,000 na limitasyon.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maaring magdulot ito ng agam-agam ukol sa posibleng paggamit ng pera para sa vote buying, maliban na lamang kung mayroong malalakas na ebidensya na magpapatunay ng ibang layunin.

“Walang problema kung magwi-withdraw ka sa bangko, kung treasurer ka o mayroon kang kadahilanan,” ayon kay Garcia.

Sa mga nalalabing araw ng kampanya para sa BSKE, mariing pinapakiusap ng Comelec sa mga botante na huwag tanggapin ang anumang alok na pera mula sa mga kandidato, kahit pa ito ay may kaakibat na pangako sakaling manalo ang mga ito.

Sa kasalukuyan, inihayag ni Garcia na ang karamihan sa mga kandidato ay sumusunod sa mga regulasyon ng pangangampanya na itinakda ng Omnibus Elections Code, at ito ay kanilang pinupuri.

Noong Biyernes, nagkasundo ang Comelec, Department of Health (DOH), at Philippine Red Cross (PRC) upang tiyakin ang emergency at health assistance para sa lahat ng mga botante, mga government employees, at mga kasapi ng electoral boards.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo