Comelec, SM Lucena naglunsad ng Let’s Vote Pinas

0
262

Lucena City, Quezon. Nagtuwang ang Commission on Elections (COMELEC)  at  SM Supermalls sa paglulunsad ng Let’s Vote Pinas o  Vote Counting Machine ( VCM ) Demo and Experience sa publiko, kamakalawa.

Ang Let’s Vote Pinas ay bahagi ng Voter Education program ng COMELEC na naglalayong palakasin ang tiwala ng publiko sa paggamit ng VCM at makapagbigay ng karanasang hands-on at edukasyonal bilang paghahanda sa gaganaping pambansang halalan sa May 9, 2022.

Hindi eksklusibo sa mga rehistradong botante ang demo, bukas ito sa lahat ng mga Filipino, walang pinipiling edad upang magkaroon sila ng karanasan at paunang aral at maging handa sa proseso ng nalalapit na halalan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.