Comelec: Tatagal ng 3 oras ang 1st presidential debate

0
401

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na ang unang presidential debate na nakatakda ngayong buwan ay tatlong oras na kaganapan.

“The 3-hour debates will follow a single-moderator format, with no live audience. Draw lots will determine to whom the first question will go. Succeeding questions, however, will be answered by the candidates in their alphabetical order,” ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez.

Ang unang debate ay gaganapin sa Marso 19 habang ang pangalawang debate ay nakatakda sa Abril 3.

Ang isang vice-presidential debate ay naka-iskedyul sa Marso 20.

Wala pang announcement kung saan gaganapin ang mga event.

“We are very excited to have the agreement signed so we can finally share the details and mechanics of this much-awaited Comelec-organized debate. This is a high-stakes event that the voting public has been fervently looking forward to, so we expect all candidates to be on deck and ready to demonstrate why they deserve our vote,” dagdag pa ni Jimenez.

Ayon sa kanya, mayroong isang natatanging bahagi ng Pilipinas Debates 2022 na back-to-back town hall debates, na magkakaroon ng parehong remote at in-person audience, at isang post-debate roundtable.

Ang presidential at vice-presidential town hall debate ay gaganapin sa Abril 23 at 24, ayon sa pagkakabanggit. Pareho itong susunod sa isang double-moderator na format.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.