Company driver at 3 doper, natiklo ng Laguna PNP

0
641

Sta. Cruz, Laguna. Inaresto ang isang nagngangalang Rizaldy Tolosa Martinez sa kasong anti-illegal drugs matapos mahulog sa bitag ng buy-bust operations na pinamunuan ni Bay Municipal Police Station (MPS) chief  PMAJ JAmeson E. Aguilar na isinagawa sa Brgy. San Antonio, Bay, Laguna.

Ang 42 anyos na si Martinez ay isang company driver at nakuha sa kanya ng mga awtoridad ang 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Sa isang bukod na operation, inaresto din ng Bay MPS si Dennis Barbo Santos, 44 anyos na pintor at residente ng Brgy. San Antonio, Bay, Laguna. Nakumpiska sa kanya ang 2 sachet ng pinagdududahang shabu.

Samantala, nasakote naman ng San Pedro City Police Station sa pangangasiwa ni  PLTCOL Socrates S. Jaca si Santiago De Guzman alyas Kulot, 34 anyos at naninirahan sa Alora Compound,  Brgy Landayan, San Pedro City, Laguna sa isa pang drug buy-bust operations. Tatlong sachet naman ng pinag sususpetsahag ng shabu ang nakuha sa kanya.

Kasabay nito ay hinuli ng Calauan Municipal Police Station sa pamumuno ni Calauan Chief of Police PMAJ Jollymar R. Seloterio si Regie Angeles alyas Fox, male, 38 anyos na painter, sa Brgy Balayhangin, Calauan, Laguna.  Kinumpiska sa kanya ang 3 sachet ng hinihinalang shabu.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa R.A 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang hinihintay ang resulta ng forensic examinations sa mga ebidensyan na nakuha sa kanila, ayon sa report ni Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office PCOL Rogarth B. Campo kay Regional Director PRO-Calabarzon PBGEN Eliseo DC Cruz.

“Nais iparating ng ating ama ng kapulisan na si PGEN Dionardo B. Carlos na ang laban sa illegal na droga ay hindi lang laban ng kapulisan, ito ay laban ng bawat Pilipino. Kung tayo ay magsasama-sama at ayaw talaga natin ng droga patuloy tayong magtatagumpay at makakalikha ng magandang resulta,” ayon kay Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.