SAN PABLO CITY, Laguna. Naghahanda ng mga hakbang si Kongresista Loreto ‘Amben’ Amante upang itaguyod ang regulasyon ng artificial intelligence (AI) sa ikatlong distrito ng Laguna sa layuning maprotektahan ang interes at kaligtasan ng mga mamamayan dito.
“Bilang kinatawan ng ika-3 distrito ng Laguna, kinilala ko ang pangangailangan ng pagsasaayos at pagbabantay sa paggamit ng AI sa komunidad,” ayon kay Amante sa isang press briefing na ginanap kanyang tanggapan sa Fule-Malvar Mansion kamakailan.
Kasabay nito, ipinahayag niya ang kanyang layunin na itaguyod ang mga regulasyon at patakaran upang pangalagaan ang mga mamamayan mula sa posibleng panganib at abuso na maaaring idulot ng teknolohiyang ito.
“Change is inevitable, and it is clear that artificial intelligence (AI) will eventually make its presence felt in the 3rd district of Laguna. While we may not witness its immediate impact today, we must acknowledge that AI integration is on the horizon, and it is essential that we prepare ourselves early,” ayon kay Amante.
Ang distrito ng Laguna ay kilala sa pagiging sentro ng industriya at teknolohiya, kung saan maraming kompanya at negosyo ang posibleng gumagamit ng AI para mapataas ang kanilang produksyon at magkaroon ng mas mahusay na serbisyo. Gayunpaman, may ilang aspeto na nangangailangan ng regulasyon at pagsasaayos upang tiyakin ang tamang paggamit at proteksyon ng mga mamamayan, ayon sa paliwanag ng kongresista.
Isa sa mga aspetong tatalakayin ni Kongresista Amante ay ang pangangalaga sa pribadong impormasyon ng mga mamamayan. Sa panahon ng digital na transformasyon, ang AI ay maaaring magamit upang mangolekta, imbakan, at magproseso ng malalim na impormasyon tungkol sa mga tao. Ang regulasyon ng AI ay mahalaga upang tiyakin na ang mga sensitibong impormasyon ay ligtas at hindi mababahiran ng anumang uri ng pang-aabuso o paglabag sa privacy.
Bukod dito, ipinapakita rin ni Amante ang pagnanais na pangalagaan ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga patakaran para sa AI sa transportasyon. Sa paglaganap ng mga autonomous na sasakyan at iba pang teknolohiyang konektado sa AI, mahalagang magkaroon ng malinaw na mga regulasyon at pamantayan upang maiwasan ang aksidente at iba pang mga insidente na maaaring magdulot ng pinsala sa mga pasahero at komunidad.
Bilang bahagi ng kanyang adbokasiya, susuportahan ni Kongresista Amante ang pagsasagawa ng mga konsultasyon sa mga eksperto, sektor ng teknolohiya, at mga miyembro ng pamayanan upang malaman ang kanilang mga pangangailangan at obserbasyon. Ito ay bahagi ng kanyang layuning bumuo ng malawakang batas at regulasyon na may kaugnayan sa AI upang masiguro ang positibong pag-unlad ng ikatlong distrito ng Laguna.
Sa pamamagitan ng kanyang pagtataguyod sa regulasyon ng AI, umaasa si Amante na magiging modelo ang ika-3 distrito ng Laguna sa tamang paggamit ng teknolohiya at magiging ligtas at progresibong komunidad para sa lahat ng mga mamamayan.
While the exact timeline of AI’s arrival may be uncertain, let us not delay our preparations. Together, we can build a district that harnesses the potential of AI and paves the way for a prosperous and inclusive future for all,” ang kanyang pagtatapos.
_
Tutubi News Magazine’s exclusive Loreto ‘Amben’ Amante, Laguna Rep. (3rd District) interview.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.