Congressman Amben Amante nagkaloob ng P15-M bagong police headquarters sa Alaminos, Laguna

0
61

ALAMINOS, Laguna. Ipinagkaloob ni Congressman Loreto “Amben” Amante ang bagong Police Headquarters na nagkakahalaga ng P15 milyon kay Alaminos Chief of Police P/Maj Serafin T. Gapunuan, sa isang espesyal na okasyon kahaon, Hunyo 27, 2024, sa Fule Malvar Office bilang bahagi ng People’s Day.

“Lubos akong nagagalak na ipaabot sa inyo ang bagong Police Headquarters na nagkakahalaga ng P15 milyon. Ito ay magiging sentro ng ating kapulisan sa pagbibigay ng mas epektibong serbisyo at proteksyon sa ating komunidad. Ang pasilidad na ito ay patunay ng ating patuloy na pagtutok sa seguridad at kaayusan ng ating bayan, ayon sa mensahe ni Congressman Amante.

Nagpahayag ng lubos na pasasalamat si Police Maj Gapunuan sa mahalagang kontribusyon ni Congressman Amante sa seguridad at serbisyo ng Bayan ng Alaminos.

“Para sa akin at sa buong kapulisan, ang bagong pasilidad na ito ay isang napakalaking tulong. Ito ay nagbibigay ng mas magandang kakayahan para mas maprotektahan ang ating komunidad,” aniya.

Ang bagong Police Headquarters ay inaasahang magbibigay ng modernong pasilidad para sa mga operasyon ng pulisya at magpapalakas sa kapasidad ng lokal na kapulisan na magserbisyo nang mas mahusay sa bayan.

Author profile
 | Website

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.