Consignee ng P1.7-M shabu parcel arestado sa Makati City

0
110

Nahuli ng mga awtoridad ang claimant ng isang pakete na naglalaman ng PHP1.743 milyong halaga ng shabu sa isang controlled delivery operation kamakailan sa Pasay City.

Sa isang pahayag kanina, sinabi ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na naharang ang mga kontrabando sa DHL warehouse sa Pasay City.

Samantala, sa magkahiwalay na operasyon, nahuli ang consignee na hindi pinangalanan sa isinagawang operasyon sa Makati City noong Pebrero 6.

Ang parsela, na idineklara na isang antigong French phone, ay dumating sa Port of NAIA mula sa France noong Enero 30.

Sa pisikal na pagsusuri, naglalaman ito ng 255 gramo ng white crystalline substance na kumpirmadong shabu batay sa resulta ng laboratory testing na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nagsasagawa ang ahensya ng custodial investigation sa claimant para sa inquest hinggil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization Act.

Ikinasa ang operasyon sa koordinasyon ng PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.