Iginawad ng Department of Transportation (DOTr) ang pinakamalaking kontrata ng tren na nagkakahalaga ng Php142 bilyon, o humigit-kumulang USD2.8 bilyon, sa isang joint venture ng China upang bumuo ng 380 kilometrong ruta ng Philippine National Railways (PNR).
Ang construction ay tatakbo mula sa Barangay Banlic sa Calamba, Laguna hanggang Daraga, Albay.
Ang kontrata ay nilagdaan noong Lunes ni DOTr Secretary Arthur Tugade at ng mga kinatawan ng China Railway Group Ltd., China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd., at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd. (CREC JV).
Kasama sa kontrata ang disenyo, konstruksiyon, at mga electromechanical works para sa proyekto.
“Listed in both the Hong Kong and Shanghai stock exchange, CREC JV ranked 35th on the Fortune Global 500 list and 5th among China’s top 500 enterprises in 2021,” ayon sa DOTr sa isang anunsyo kahapon.
Ang proyekto ay bibiyahe sa 39 na lungsod at munisipalidad sa apat na probinsya at dalawang rehiyon.
Bukod sa pagtatayo ng 380 kilometrong riles, ang proyekto ay kabibilangan ng 23 istasyon, 230 tulay, 10 pampasaherong lagusan, at 70-ektaryang depot sa San Pablo City, Laguna.
Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines, Huang Xilian, na ang proyekto ay ang “pinakamabilis at pinakamahabang bahagi ng riles sa Pilipinas” at “isa pang milestone” para sa relasyon ng Pilipinas at China.
Sinabi ni Huang na ang nabanggit na proyekto ang may “pinakamalaking pondo ng G-to-G (government-to-government) project” sa pagitan ng dalawang bansa.
Kapag operationalna, ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Calamba, Laguna at Legazpi, Albay ay paiikliin sa apat na oras mula sa karaniwang 12 oras at magsisilbi sa 14.6 milyong pasahero taun-taon.
Ang proyekto ay inaasahang lilikha din ng “higit sa 10,000 direktang mga trabaho sa konstruksiyon bawat taon” bukod sa “daan-daang libong” mga trabaho sa mga kaugnay na lugar, ayon kay Huang.
“I wish the scenario come true the soonest and the project a smooth progress!” ayon pa rin sa Facebook post ni Huang.
Ang PNR Bicol project ay isang 565-kilometrong riles na mag-uugnay sa Metro Manila sa southern Luzon provinces ng Sorsogon at Batangas.
Ang mga pampasaherong tren nito ay may bilis na 160 kilometro bawat oras habang ang mga freight train ay may bilis na 100 kilometro bawat oras.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo