Construction ng mga classrooms, ipinasa na sa mga LGU

0
301

MAYNILA — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipasa sa mga lokal na pamahalaan ang responsibilidad sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa, sa halip na sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, iniutos ng Pangulo na idiretso ang pondo sa mga local government unit (LGU) upang mas mabilis na matugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang pangangailangang madaliin ang pagkumpleto ng mga proyekto upang matiyak na may sapat na classrooms para sa mga mag-aaral.

Batay sa planong memorandum of agreement, ang mga LGU ang mangangasiwa sa konstruksyon habang mananatiling tagamasid at tagapagsubaybay ang DPWH at Department of Education (DepEd).

Tinatayang 200 silid-aralan ang matatapos bago matapos ang taon, at karagdagang 822 classrooms naman ang target na makumpleto sa ikalawang quarter ng 2026.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.