Construction worker arestado sa pagpatay sa live-in partner

0
111

Taal, Batangas. Hinuli ng mga awtoridad ang isang 44 anyos na construction worker matapos nitong patayin sa saksak ang kanyang live-in partner sa Brgy. Zone 8, bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Police Col. Samson Belmonte, direktor ng Batangas Provincial Office, ang suspek na si Jayson Agas Vergara.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, isang 7 taong gulang na bata ang humingi ng tulong sa barangay ukol sa mainit na pagtatalo ng kanyang mga magulang.

Kaagad namang nagsumbong ang hepe ng barangay sa pulisya. Noong puntahan ng mga pulis ang bahay ng biktima, nadatnan nila si Vergara na yakap ang isa pa nitong anak habang duguan ang katawan sa tabi ng bangkay ng kanyang asawa na tinadtad niya ng saksak.

Inaresto ng mga pulis ang suspek at agad itong umamin sa ginawang Krimen.

Ayon sa mga salaysay ng mga kaanak ng biktima, matagal nang madalas mag away ang mag live-in partner dahil sa pagseselos ng suspek.

Kasalukuyang nakakulong si Vergara sa Taal Municipal Jail habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanya.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.