Construction worker, huli sa kasong murder

0
410

Calamba City, Laguna. Nasakote ng Laguna PNP ang dalawang Most Wanted Person sa Laguna sa dalawang magkahiwalay na manhunt operations, ayon sa report ni  Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo C. Cruz.

Nahuli ng Victoria Municipal Police Station sa pamumuno ni Officer in Charge PCPT Laudemer B. Abang si Dan Mark Baddas, 37 taong gulang, construction worker, at nakatira sa Brgy. Nanhaya, Victoria, Laguna, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong murder na inihain noong August 22, 2019 sa Regional Trial Court, 1st Judicial Region Branch 32, Agoo, La Union na walang rekomendasyon sa piyansa. Ang suspek ay kinasuhan ng pagpatay sa biktimang si Peter Almacen y Pascua, 16 anyos, noong ika October 7, 2002 sa Barangay Udiao Rosario, La Union. Si Baddas ay Rank 7 sa Regional Level Most Wanted Person sa listahan ng Police Regional Office CALABARZON. 

Naaresto naman ng Santa Cruz Municipal Police Station sa pamumuno ni Chief of Police PLTCOL Paterno L. Domondo, Jr. si Edgardo Santiago Cruz, 53 taong gulang na resident eng Brgy. Labuin, Santa Cruz, Laguna sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong frustrated murder na inahain noong December 1, 2015 sa Regional Trial Court, Branch 91, Santa Cruz, Laguna.

Ang mga naaresto ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng operating unit habang inaabisuhan ang mga court of origin ay hinggil sa pagdakip sa kanila.

“Ang Laguna PNP ay magpapatuloy sa pagsagawa ng operasyon at hindi kami titigil hanggat di namin nahuhuli ang mga most wanted upang mapanagot sa batas para mabigyan ng hustisya ang mga biktima,” ayon sa mensahe ni PCOL Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.