Consultant ng Ternate mayor, patay sa ambush

0
299

Ternate City, Cavite. Patay ang isang consultant ng mayor ng bayan ng Ternate matapos tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nagdya-jogging sa Brgy.Sapang 1 sa bayang ito sa Cavite, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Police Major Xelacor Maria Garcia, hepe ng Ternate City Police Station, ang biktima na si Ricky Diones, 49 anyos, isang consultant na coterminous government employee bilang consultant ng local government unit ng Ternate, siya rin ang operations manager ng isang quarry company.

Si Diones ay idineklarang dead-on-the-spot dahil sa tinamong dala­wang tama ng bala sa katawan, ayon kay Garcia.

Hindi nakilala ang mga tumakas na salarin na sakay ng kulay asul na motorsiklo na Honda Click at walang plaka.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-6:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa pagitan ng Brgy. Bucana at Brgy. Sapang 1, ng nabanggit na lungsod. 

Sinabi ni Garcia na inatake ang biktima habang isinasagawa nito ang regular jogging exercise nito sa madaling-araw. Isa sa mga suspek ang naglabas ng baril at agad pinaputukan ng magkasunod ang biktima nang malapitan.

Dalawang basyo ng bala ng kalibre 45 ang nare­kober ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

Nasisilip ng pulisya ang anggulo ng “business work related” na motibo sa pamamaslang, ayon sa hepe.

Sama tala, nagsasagawa ng backtracking investigation ang pulisya sa pagsisikap na makilala ang mga suspek na tumakas sakay ng motorsiklo.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.