Contractor sa ghost projects, handang magsiwalat ayon sa DOJ

0
333

MAYNILA. Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na lumapit sa kanya ang isang abogado ng isa sa top 15 contractors na sangkot umano sa mga kontrobersyal na flood control projects upang ihayag ng kanyang kliyente ang nalalaman nito kaugnay ng tinatawag na ghost projects.

“I have been approached by a lawyer representing a potential whistleblower, and they have told me, he’s given me an idea of what happened in one of the projects in Central Luzon, in projects worth P5 billion. Ghost projects,” pahayag ni Remulla sa isang press briefing.

Dagdag pa niya, ang tinutukoy na kumpanya ay kabilang sa mga contractor na nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na iniimbestigahan kaugnay ng anomalya.

Ayon sa kalihim, ibinahagi ng potensyal na whistleblower ang modus operandi, kabilang ang umano’y paghahati-hati ng pera, iregular na kontrata, at proseso ng encashment. “Nagbigay lang sa akin ng idea na ‘yung contractor ang kinuha 40%, ang DPWH ganto, na ma-encash ‘yung pera… kahit na DPWH lang ang payable sa contractor. Basta’t marami nang modus na sinabi sa akin nu’ng Sabado,” ani Remulla.

Inaasahan na makikipagpulong muli ang abogado ngayong Sabado upang magprisinta ng ebidensya.

Tiniyak ni Remulla na bukas ang Department of Justice (DOJ) para sa sinumang nagnanais magsiwalat ng impormasyon, at maaari silang mailagay sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) para sa kanilang kaligtasan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo