Covid-19 daily attack rate sa bansa, patuloy na bumabagsak

0
193

Tagaytay City, 100% bakunado na

Patuloy na bumabagsak ang average daily attack rate ng Covid-19 sa buong bansa. Ang average number ng infections na inireport kada araw sa loob ng nagdaang tatlong linggo ay mahigit na 5,400 na lamang o 26% na mababa kumpara noong kasagsagan nito.

Nasa 2,276 infections na lamang kada araw ang ang bilang ng kabuuang kaso. Ito ay 11% na kabawasan sa pinakamataas na daily average report noong Setyembre 15.

Ayon pa rin sa Covid-19 tracker ng Reuters kaninang 8:49 ng umaga, 14 lamang ang nahawa kada isang daang libong Pilipino sa loob ng nagdaang pitong araw.

Samantala, ang Tagaytay City ay nakapag bakuna na ng 100% ng populasyon nito, ayon sa ulat mula sa Department of Health. Tinanghal na champion ang nabanggit na lungsod bakasyunan sa pinakamaraming nabakunahan sa buong CALABARZON.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.