Covid-19 hindi na global health emergency; DOH, IATF mag uusap hinggil sa protocols

0
239

Magpupulong ang Department of Health (DOH) at ang Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) upang talakayin at suriign muli ang mga alituntunin ng COVID-19 kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na ang virus ay hindi na ito isang global health emergency.

Sinabi DOH na tanggap nila ang desisyon ng WHO dahil ipinapakita nito ang pagsisikap ng gobyerno sa pagtugon nito sa COVID-19.

“The DOH will convene the members of the [IATF-EID] to discuss and reassess policies and other guidelines affected by the declaration,” ayon sa kanila noong Biyernes.

Ang mga hakbang na mabubuo  ay ihahain kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang aprubahan.

“The DOH guarantees the Filipino people that all factors in determining our next action in line with the WHO’s proclamation will be considered and discussed for the approval of the Pre­sident,” ayon sa DOH.

Naniniwala naman ang isang infectious disease expert na dapat magpatuloy ang ilang COVID-19 protocols sa kabila ng deklarasyon ng WHO na tapos na ang global health emergency.

Sinabi ni Dr. Rontgene Solante, chairman ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine sa San Lazaro Hospital, kahit wala nang deklarasyon ng global health emergency ang nasabing virus ay hindi na­ngangahulugan na natapos na ang pandemya.

“Importante pa rin ‘yan dahil alam natin that the virus continues to mutate, and there are (members of the) population at high risk of getting the infection, that can also get the more severe infection,” dagdag niya.

Sinabi ni Solante na dapat pa ring panatilihin ang pagsubaybay sa mga kaso at sa kapasidad ng medical facilities upang patuloy na mabigyan ng atensyon ang mga kaso ng COVID-19.

Ang COVID-19 virus ay nag-iwan ng hindi bababa sa 20 milyong tao ang namatay sa buong mundo, at sa Pilipinas ay hindi nasa 66,444 katao ang nasawi, batay sa datos ng DOH.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.