Maaaring maging available na sa komersyo sa merkado ng Pilipinas sa 2023 ang bakuna laban sa Covid 19).
Ang gobyerno, gayunpaman, ay magbibigay pa rin ng libreng shots sa mga bata, senior citizen, at mga mahihirap na populasyon, kahit sa panahon na ang mga bakuna ay ibebenta na, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., chief implementer ng National Task Force Against Covid-19.
“Kung magkakaroon ng commercialization maybe next year, meron pa rin tayo. Definitely, like ‘yung sa cholera, tigdas, atsaka ‘yung polio. Meron pa rin portion tayo sa gobyerno na ibibigay lalo na sa mga bata, matatanda at ‘dun sa mga poor communities na hindi kayang bumili ng bakuna,” ayon kay Galvez sa isang panayam sa paglulunsad ng Resbakuna sa Botika sa said in an interview during the launch QualiMed Clinic sa Makati kahapon.
Sinabi ni Galvez na itutuloy din ng gobyerno ang sentralisadong pagbili ng mga Covid-19 vaccines.
“When we talked to the manufacturers, they said that they are more interested in selling their vaccines to the national government,” ayon sa kanya at binanggit na mas mabilis ang transaksyon kapag oorder ng maramihan.
Kaugnay nito, inaprubahan na ng Food and Drug Administration ng bansa ang Emergency Use Authorization para sa lahat ng bakuna sa Covid-19.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.