Covid-19 vax na idodonasyon sa Myanmar, inihahanda na

0
358

Naghahanda na ang gobyerno para sa donasyon ng mga bakuna na ipapadala sa Myanmar, ayon sa Malacañang kahapon.

“As of this moment, legal documentation processes are ongoing,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar sa isang press statement at nagbigay siya ng update sa status ng mga bakunang Covid-19 na ido-donate sa Myanmar.

Sinabi ni Andanar na natanggap na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang liham para sa tamang dokumentasyon ng planong donasyon ng Pilipinas ng mga bakuna laban sa coronavirus.

Ang liham, ani Andanar, ay pinirmahan nina Health Secretary Francisco Duque III at National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

“As per the Department of Health (DOH), a letter signed by Secretary Francisco Duque III and Secretary Carlito Galvez, Jr was sent to Secretary Teodoro Locsin Jr. who then seeks approval from the Office of the President as this is disposition of government property, which is, government-procured vaccines,” ayon sa kanya.

Noong Linggo, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na nasa 27 milyong dosis ng mga bakuna laban sa Covid-19 ang nakatakdang mag-expire sa Hulyo ngayong taon.

Ang DOH at ang NTF Against Covid-19, sa isang magkasanib na pahayag, ay nagpahayag na karamihan sa mga dosis na mage-expire sa Hulyo 2022 “ay alinman sa donasyon ng ibang mga bansa, o binili ng mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor.”

“No one could guarantee for certain that manufacturers could deliver at the scale and schedule our people required; hence, decisions were made to secure as many doses as could be obtained from wherever they could be sourced. Not one country could have predicted and balanced, with reasonable certainty, the global supply and demand of vaccines amidst the Covid-19 pandemic,” ayon sa kanila.

Gayunpaman, ginagarantiyahan nila na ang gobyerno ay patuloy na magpapalakas ng kampanya sa pagbabakuna upang matiyak na ang mga Covid-19 jab ay “mas naa-access at magagamit” sa publiko.

Inihayag ni Duque noong Marso ang layunin ng gobyerno na mag-donate ng mga bakunang Covid-19 na malapit nang mag-expire sa mga bansa tulad ng Myanmar, Cambodia, at iba pang mga bansa sa Africa upang mapalakas ang kanilang supply ng bakuna.

Tinutukoy na ng DFA at DOH ang mga tatanggap na bansa, gayundin ang dami at uri ng tatak na ibibigay.

Ang Myanmar na tinatawag ding Burma ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng mainland Southeast Asia. Ito ang pinakamahirap na bansa sa region, na may GDP per capita na $1,408.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.