Covid-19 vax para sa mga batang edad 5-11 sa San Pablo City sisimulan sa Pebrero 15

0
198

San Pablo City, Laguna. Sisimulan sa lungsod na ito ang pediatric vaccination para sa age group na 5 hanggang 11 sa Martes, Pebrero 15 sa SM San Pablo, ayon kay City Health Officer Dr. James Lee Ho.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Lee Ho ang mga magulang at guardian na iparehistro na ang kanilang mga anak sa kanilang barangay.

“Sisimulan po natin ang pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 sa February 15 at tuloy tuloy na po ito kaya iparehistro na po natin ang ating mga anak,” ayon sa city health officer.

Umabot na sa 14,000 ang bilang ng mga batang nagpa rehistro na sa gaganaping pediatric vaccination, ayon sa report ng nabanggit na city health office.

Ayon naman sa ulat ng Department of Health kanina, sa ngayon ay humigit kumulang 52,262 na bata na may edad lima hanggang 11 ang nabakunahan laban sa coronavirus sa buong bansa.

Walang naiulat na nakaranas ng anumang seryosong adverse effects at apat lamang ang nag-ulat ng banayad na mga reaksyon, kabilang ang pananakit sa lugar at rashes na agad ding humupa, batay sa report ng sa Department of Health.

“The San Pablo City Health Office stands with the Department of Health by the fact that vaccines do work. Patuloy pong bumababa ang kaso ng Covid-19 sa ating lungsod habang nanatiling low risk ang ating health systems capacity dahil sa patuloy na pagtaas ng ating vaccination rate,” ayon kay Lee Ho.

Upang magparehistro sa RESBAKUNAKIDS, i-click ang link na ito:

tinyurl.com/sanpablo1stdose 

o magsadya sa inyong mga Barangay Hall. Madala ng 2×2 picture, ID ng bata at magulang at mag-fill up ng form.

Para sa dagdag na kaalaman, basahin ang FAQs sa: 

https://tiny.one/resbakunakids

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.