Covid-19 vax rate sa Quezon, binabantayan ng DOH

0
247

Patuloy na binabantayan ng Department of Health Center for Health Development (CHD) IV-A ang walong munisipalidad sa Quezon Province na nananatiling mababa ang bilang ng mga fully vaccinated individuals laban sa COVID-19.

Kabilang dito ang mga bayan ng San Francisco, San Narciso, Mulanay, Calauag, San Andres, Buenavista, Macalelon, at General Nakar.

Ayon sa CHD CALABARZON, malayo pa sa kanilang target na bilang ang mga nababakunahan. Umaabot pa lamang sa 37 porsyento hanggang 49 porsyento ang target population kada munisipalidad ang may kumpletong bakuna.

Dahil dito, ayon sa kanila ay hindi pa tuluyang maibaba sa Alert Level 1 status ang buong lalawigan. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.