Covid Free San Pablo City, abot kamay na

0
521

Nag zero Covid na ang San Pablo City noong Oktubre 30. Sa huling 3 araw ng Oktubre 2021, 6 lang ang naitalang nag positibo sa Covid.  Kagabi. Nobyembre 2, wala na namang naitalang ng positibo. Dahil sa magandang trend na ito ng pagbaba ng mga kaso ay nasisilip ng hindi imposibleng mangyari ang pinapangarap na Active Covid-Free San Pablo City.

Mula sa 913 Active Cases noong September 22 ay 144 na lang ang natitira kagabi. Bunga ito ng bumabang daily attack rate, lumiit na positivity, growth and reproduction number  at mas maraming araw-araw nakakarekober.

Inaasahang sa susunod na mga araw kapag magpapatuloy ang kasalukuyang mababang daily attack rate ay magiging double digit na lamang ang ating active covid cases.

Nangyari ito dahil sa pagtalima ng mayoryang mamamayan ng San Pablo sa mga ipinag uutos, tina tagubilin at ipinatutupad ng lokal na pamahalaan. Hindi maisasakatuparan ng LGU San Pablo ang mga isinagawang pagtatrabaho at pagsasakripisyo kung wala ring ipinamalas na pakikiisa at pagpapakasakit ng kalakhang populasyon ng lungsod.

Mabuhay ang mamamayang San Pableño. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa programa ng lungsod laban sa Covid-19.

Bukod sa mga taga Barangay Health Emergency Response Team (BHERT), ang buong pwersa ng Lokal na Pamahalaan ay nagsama-sama sa isang hangaring masawata ang kulang kulang dalawang buwang pananalasa ng pandemyang Covid 19. Napakalaking bagay  ang ginawang pagtatanod, paninita at panghuhuli ng mga taga Task Force Disiplina sa mga pasaway at walang pakialam sa panganib ng pandemya; full cooperation ng 80 barangay ng lungsod at local PNP; mga local departments ng City Hall at idagdag na rin ang  lahat na nag boluntaryong mamamayan at private hospitals na matatagpuan dito sa atin.

Marami pong salamat sa lahat ng nagsakripisyong private doctors at nurses at mga health workers ng San Pablo City Health Office at San Pablo City District Hospital gayon din sa team ng Task Force Disipilina sa pangunguna ni Vanessa Titular Reyes at sa masisipag na barangay chairman, barangay tanod at mga miyembro ng BHERT. Naniniwala ako na napakalaki ng inyong naiambag sa pagtawid natin sa mapanghamong krisis na dulot ng Covid-19.

Nagawa ng ibang siyudad sa ibayong dagat na ilang buwang maging active covid free bakit hindi natin matutularan? Nakadanas  tayo ng dalawang araw na ‘Zero Covid Case ano’t hindi kakayanin ang isang buwan na walang bagong kaso ng Covid?

Kayang-kayang gawin lalo’t magpapabakuna na ang natitirang bilang ng mga kababayang ayaw magkaroon ng kapanatagan ng kalooban para sa kaligtasan ng buhay at kalusugan ng kanyang sarili at ng kanyang pamilya.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.