Covid Peak sa San Pablo City posible sa mga darating na ilang Linggo

0
198

Sa nakalipas na tatlong tatlong linggo (Disyembre 30  hanggang Enero 19, 2022), 864 ang naiulat na confirmed covid cases sa official health bulletin ng San Pablo City. Nakarekober anga 433 covid patients at dalawa ang hindi nakaligtas sa karamdaman kaya 429 ang natitirang active cases.  Ang 389 nito ay nasa loob ng lungsod at naka-isolate at ang 30 ay nasa labas ng San Pablo.

Matatandaan na naging Covid Free ang San Pablo bago makapagtala ng bagong mga kaso noong nakaraang December 30, 2021.  Naibalitang 2 ‘Annex Cases’ ang pinagmulan ng hawahan at 9 close contacts agad ang nag positibo sa virus matapos  mai-swab test. 

Disyembre 30 hanggang Enero 5 ay 87 ang naiulat na naging kaso ng Covid. Sa sumunod na linggo (Enero 6 – Enero 12) ay halos apat na beses ang pagdaming nagaap sapagkat biglang 328 ang naitala sa health Bulletin. Dahil sa paghihinalang nakapasok na ng Omicron Variant sa lungsod ay inasahang higit pang dadami ang magiging hawahan. Subalit mula Enero 13 hanggang kagabi January 19 ay 449 ang naireport na mga bagong kaso ng Covid. Kung tutuusin ay wala pang 50% ang naging pagtaas mula sa 328 cases noong sinundang linggo.

Kahit nade-delay ang pag uulat dahil sa paghihintay sa resulta ng mga lab test, pag aasikaso ng contact tracing at verification dagdag pa ang pagkakasakit ng ilang tauhan ng City Health Office ay naging kapansin-pansin ang maliit na naging ‘growth rate’ sa ikatlong linggo.  Senyales ba ito narating na ang peak ng surge at malapit nang bumaba ang daily and weekly attack rate ng San Pablo?

Sa nangyaring surge ng Alpha, Beta at Delta Variants noong 2021, ayon sa  datos ng San Pablo City Health Office, 1,227 ang naging covid cases noong buwan ng August. Limampu’t tatlo sa mga ito ang nasawi. Halos nadoble ng sumunod na buwan ng September dahil ng aging 2,162 ang nag positibo at 88 covid patients ang hindi nakaligtas sa sakit.

Labindalawang araw pa ang palilipasin bago marating ang katapusan ng buwan ng Enero 2022. Kung mananatili ang kasalukuyang mababang growth rate, ito ang dapat nating antabayanan upang malaman kung malapit ng marating ang ganap na pagbaba ng mga kaso ng covid sa lungsod.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.