Crackdown vs ‘Peryahan ng Bayan’ partikular sa Laguna, paiigtingin ng PNP

0
1070

Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ang lahat ng hepe ng pulisya partikular sa Luzon na maging agresibo sa pagsugpo sa mga operasyon ng “Peryahan ng Bayan” at iba pang aktibidad ng ilegal na sugal.

Binalaan din ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon, ang mga police commander ng “One Strike Policy” laban sa mga police commander na makikitang nagkukunsinti ang operasyon nito o kasabwat ng mga operator.

“Our PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. has supported the memorandum we issued before and we will implement the one-strike policy on this matter. We have to remind our unit commanders that there was a specific instruction from Executive Secretary Salvador Medialdea and PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) Chairperson Royina Garma to operate on this ‘Peryahan ng Bayan’ because this is no longer authorized to operate,” ayon kay de Leon sa isang pahayag.

Nauna dito, nakatanggap ang PNP ng mga ulat hinggil sa patuloy na operasyon ng illegal numbers game.

Partikular na inatasan ni De Leon ang Police Regional Office 4A (Calabarzon) na i-validate at magsagawa ng imbestigasyon sa mga ulat ng operasyon ng ilegal na sugal sa Calamba City at iba pang bahagi ng Laguna.

Aniya, inaasahan niya ang pagsusumite ng accomplishment reports hinggil sa mga reklamo na binanggit din ang ilang pangalan ng mga operator.

Sinabi ni De Leon na agad niyang irerekomenda ang pag-relieve sa mga hepe ng pulisya na mabibigo na mapahinto ang mga operasyon ng “Peryahan ng Bayan” at iba pang aktibidad ng ilegal na sugal.

“There is a specific instruction to stop this and when they fail to do it, then they will be relieved and we will find other commanders who will replace them,” dagdag pa niya.

Pinayuhan din ni De Leon ang mga police commander na makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal ng PCSO upang i-map ang mga plano sa pagbibigay ng tulong sa pagsasagawa ng anti-illegal gambling operations. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.