CSC sa mga ahensya ng gobyerno: Pangalagaan ang kalusugan ng mga empleyado

0
166

Nagpaalala ang ang Civil Service Commission (CSC) kanina sa mga ahensya ng gobyerno na pangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng kanilang mga empleyado sa gitna ng umiiral na pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Dapat sumunod ang mga ahensya ng gobyerno sa mga guidelines na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pagbabawas ng onsite workforce habang nakataas ang Alert Level 3 sa kanilang mga lugar, ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada sa isang televised public briefing.

Sa ngayon, nasa 161 empleyado ng gobyerno ang kumpirmadong positibo sa Covid-19.

Sa ilalim ng Department of Budget and Management Circular (DBM) No. 2020-14, may opsyon ang mga ahensya ng gobyerno na gamitin ang kani-kanilang badyet para sa layunin ng pagpapatupad ng mga health protocol nang walang gastos sa bahagi ng mga empleyado.

“Puwede ho tayong gumawa ng home care Covid kit para sa ating mga empleyado, kunin natin sa MOOE [maintenance and other operating expenses]. Allowed na po naman ito, mayroon naman (We can produce Covid kits for our employees from our MOOE. This is allowed, per) DBM circular,” ayon kay Lizada.

Ang pagkakaloob ng Covid-19 home care kits para sa mga empleyado ng gobyerno ay “magde-clog sa mga health center” na madalas puntahan ng publiko, dagdag pa niya.

Para sa mga ahensya ng gobyerno sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 2, binanggit ni Lizada na dapat ipatupad ang mga alternatibong kaayusan sa trabaho

“We talked about reduction of workforce, but it does not talk about stoppage of government workforce,” she said. “We need to serve the public continuously but likewise hand in hand, we also have to protect our government employees,” ang pagtatapos ni Lizada.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo