Curlee Discaya at ‘BGC Boys’, hindi papayagang mag-holiday furlough — Lacson

0
217

MAYNILA — Hindi papayagan ang holiday furlough para sa kontratistang si Pacifico “Curlee” Discaya II at sa mga dating inhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakakulong sa Senado kaugnay ng iskandalo sa maanomalyang flood control projects, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson nitong Martes.

Ayon kay Lacson, na chairman din ng Senate Blue Ribbon Committee na nagsisiyasat sa isyu, inaprubahan ni Senate President Vicente Sotto III ang kanyang rekomendasyon na tanggihan ang mga kahilingan sa leave nina Discaya at ng tinaguriang BGC Boys na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at Henry Alcantara.

“So the risk of escape becomes greater — not to mention that it makes no sense to grant such requests for Christmas leave if indeed warrants are coming out by then,” dagdag niya.

Naka-detain sa Senado sina Discaya at ang mga dating engineers ng DPWH matapos silang ma-cite in contempt ng Blue Ribbon Committee dahil sa pagtanggi nilang makipagtulungan sa imbestigasyon sa mga flood control projects.

Binanggit ni Lacson na idinaan ni Alcantara sa Department of Justice (DOJ) ang hiling niyang holiday leave.

Ani Lacson, inaprubahan ni Sotto ang kanyang rekomendasyon at papayagan lamang ang apat na mag-attend ng Misa sa loob ng Senado at tumanggap ng dalaw mula sa kanilang mga pamilya, subalit wala nang iba pang aktibidad sa labas ng mga pasilidad ng Senado.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.