CVL Press Corps, naghalal ng bagong pamunuan

0
635

Calamba City, Laguna. Nahalal na pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps si Roy Tomandao ng Manila Standard at Tutubi Digital News Magazine, kahapon sa Camp Vicente Lim, lungsod na ito.

Kabilang sa bagong pamunuan ng nabanggit na samahan ng mamamahayag sina Rommel Madrigal ng DZRJ, vice president; Madeline Marasigan ng Tribune Post, secretary; Lyn Domingo ng Isyu Balita, treasurer; Jackie Palima ng DWBC 87.9, auditor at Joel Cabactulan ng Ronda Balita, PRO.

Nahalal na chairman of the board si Daniel Castro ng DZJV 1458 AM BAND,Radyo Calabarzon at mga miyembro nito sina Shiela Javier Florentino ng Laguna Patrol, Jeremiah Madrigal ng Balitang Pinoy, Edjun Mariposque ng Gma7, Nelson Dimapilis ng Radyo Veritaz/102.1FM, Danny Estacio ng Manila Bulletin , Celso Lidot ng People Tonight/ST Journal, Kevin Pamatmat ng DZJV, Jun de Roma ng Gma7 at Wilson Palima ng DWBC Radyo Binan.

Hinirang namang mga advisers sina Benjie De Galicia Arman Cambe ng Tutubi Digital News Magazine.

Dumalo sa ginanap na eleksyon ang mga miyembro ng nabangit na press corps sina Shekinah Joy Pamatmat ng Balita Ngayon Online News, Cyril Quilo ng Saksi Ngayon at Jane Ferrer Eleda ng Peoples Journal

“Ang mass media ang naghuhubog ng public image ng pulisya, mga prosecutors, mga korte, at mga pagwawasto sa pamamagitan ng pagkilos bilang mga gatekeepers ng crime coverage. Nawa ay patuloy nating magampanan ang sagradong responsibilidad na ito ng may pagkakaisa at magandang ugnayan sa ating hanay,” ayon sa mensahe ni Tomandao.”

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.