DA: Asahan ang pagtaas ng presyo ng gulay kasabay ng Pasko

0
542

Inaasahang tataas ang presyo ng mga gulay wala pang dalawang linggo bago sumapit ang Pasko, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sa Laging Handa public briefing nitong Martes, sinabi ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez na nakatanggap sila ng impormasyon na tumaas ang presyo ng ilang gulay, na aniya ay normal na pangyayari tuwing Holiday.

“Mayroon kaming impormasyon na iyong atin pong mga gulay, galing doon sa northern area, nagtaasan din, lalung-lalo na sa panahog natin sa pansit. Pero base doon sa information natin, bumaba na rin po iyong presyo dahil sa dami ng supply rin doon sa mga area na iyon. So we’re expecting na sana naman na ang atin pong mga gulay na ‘yan na kailangan natin sa Pasko ay ang presyo din dapat reasonable din,” ayon kay Estoperez.

Ang mga gulay na karaniwang ginagamit bilang mga sangkap para sa pansit ay kinabibilangan ng repolyo, karot, kintsay, pea pods, sibuyas, at bawang.

Mula sa Disyembre 13 price monitoring watch ng DA, ang repolyo ay binebenta sa halagang PHP140 kada kilo, o PHP20 na mas mataas kaysa noong nakaraang araw; nanatili ang carrots sa PHP100 kada kilo; sibuyas ay PHP300 pa rin kada kilo; at ang imported at native na bawang ay hindi rin nagbabago sa PHP100 at PHP250 bawat kilo.

Ang kada kilo ng presyo ng patatas at kamatis ay bumaba ng PHP10 sa PHP130 at PHP90.

Sinabi ni Estoperez na ang mga gulay na nagmumula sa Baguio ay hindi dapat tumaas ng lampas sa hindi maabot ng mga mamimili.

“Pero naglilitanya po iyong ating mga retailer. May binabayaran silang ganito, may binayaran na gasolina, iyong handling, iyong tubig, iyong puwesto. Iyon ang litanya nila,” ayon sa paliwanag ni Estoperez.

Dapat aniyangtumulong ang mga market administrator ang DA at ang local government units sa pagsubaybay sa mga presyo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.