DA: Bibigyan ng P7-M na tulong ang mga magsasaka, mangingisda na tinamaan ng kaguluhan sa Taal

0
492

Naglaan ang Department of Agriculture (DA) ng pitong milyong pisong halaga ng tulong para sa mga magsasaka at mangingisda sa Batangas na naapektuhan ng kamakailang pag-aalburuto sa Bulkang Taal kamakailan.

Sa iniulat na Talk to the People na ipinalabas kahapon, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa na nakakuha sila ng tulong para sa 1,561 na magsasaka at mangingisda, kung saan ang ilan ay inilikas na mula sa barangay Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo.

“Ang ating pong regional offices at ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), naghanda ng PHP7 million na handa po nating ipamigay,” ayon sa kanya.

Kasama sa tulong ang 1,401 bags ng inbred seeds, 500 kilo ng glutinous corn, 250 kgs ng variety ng vegetable seeds, at 1.5 million tilapia at fingerlings.

Ngunit sakaling muling magkaroon ng disruptive eruption, sinabi ng DA na maaari itong maglaan ng hanggang PHP200 milyon bilang karagdagang tulong mula sa quick response fund ng departamento.

Bukod dito, binanggit din ni de Mesa ang iba pang mga programa na may budget na inilabas mula sa Department of Budget and Management (DBM).

“Inilabas na po ng DBM ‘yung ating Rice Farmers Financial Assistance ngayong taon na nagkakahalaga po ng PHP8.9 billion. Ito po ay malaking tulong kung sakaling magpapatuloy ang problema ng Taal Volcano,” dagdag niya.

Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal mula noong makita ang phreatomagmatic noong Marso 26, na nagsanhi ng malawakang paglikas ng 3,000 residente sa mga kalapit na barangay.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.