Hindi pabor ang DA na magtakda ng SRP sa bigas

0
144

Tinututulan ng Department of Agriculture (DA) ang panukalang magpatupad ng suggested retail price (SRP) sa bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, hindi mainam na magtakda ng fixed na presyo sa bigas sa ngayon dahil sa volatile at fluctuating na presyo ng bigas at iba pang agricultural products sa pandaigdigang merkado, lalo na sa Thailand at iba pang mga bansa, dulot ng epekto ng El Niño.

“We’re not doing it. Prices of rice and other agricultural products in international markets like Thailand and other countries are volatile and fluctuating due to El Niño. Hence, we’re not suggesting to control prices at the moment,” ayon sa pahayag ni Secretary Laurel.

Ang panukalang lagyan ng SRP ang mga agrikultura produkto ay batay lamang sa mga available remedies na itinatakda ng Price Act. Ang nasabing batas ay nagbibigay kapangyarihan sa DA na ma-stabilize ang presyo ng mga produktong agrikultura at inputs, kabilang na ang presyo ng bigas, isda, karne, at abono sa panahon ng mga emergency.

Sa kabila nito, sinabi ni Secretary Laurel na nagtatrabaho ng doble oras ang kanilang ahensiya upang matiyak na ang suplay ng agricultural products, lalo na ng bigas, ay sapat kahit na may banta ng epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.