DA HVCDP, namahagi ng mga binhi ng gulay sa Quezon

0
315

Infanta, Quezon. Namahagi ng mga binhi ng gulay, seedling trays, plant growth stimulants at soil conditioners sa mga large scale vegetable farmers sa pitong barangay sa bayang ito ang Department of Agriculture, High Value Crops Development Program (HVCDP), kamakailan.

Layunin ng naturang programa na mapataas ang ani, kita, produksyon ng gulay at tulong sa mga magsasaka dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng fertilizers, gasolina at agricultural inputs. Inaasahang itatanim ang mga binhi ng gulay ngayong buwan ng Hulyo at Agosto.

Bahagi ito ng tulong mula sa Department of Agriculture, High Value Crops Development Program (HVCDP) at pakikipagtulungan sa office of the Municipal Agriculturist HVCD Section at farmers association ng Infanta. (DA-Quezon)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.