DA: Iwasan ang pagta-transport ng mga produktong baboy

0
442

Pinaalalahanan ng Department of Agriculture (DA) ang publiko kahapon na iwasan ang pagdadala ng mga produktong karne sa ibang lugar sa darating na Semana Santa, dahil unti-unting kinakaharap ng sektor ng hog-raising ang mga hamon na dala ng African swine fever (ASF) sa bansa.

Sa press briefing ng ahensya, sinabi ni DA-Bureau of Animal Industry (BAI) Executive Director of National Meat Inspection Service Dr. Reildrin Morales na hindi dapat maging kampante ang mga mamamayan at hog raisers, kahit bumababa na ang kaso ng ASF.

“Nananawagan po kami, na iwasan po magbaon ng mga produktong karne ng baboy from one place to another, lalo na po kung manggagaling ng Luzon, papunta ng Visayas, Mindanao, ‘di po tayo nakakasiguro, bagaman sinasabi po natin na maayos na po or kampante tayo sa lagay ng ASF ngayon,” ayon sa kanya.

Sa ngayon, pitong munisipalidad at apat na probinsya na lamang sa dalawang rehiyon ang may aktibong kaso ng ASF, mas mababa sa dating bilang na 688 munisipalidad, 51 probinsya, at 13 rehiyon, na nakakaapekto sa kabuuang 3,720 barangay sa buong bansa.

“Medyo maganda po ‘yung ating pagtanaw pagdating dito sa (We’re having a good outlook on) ASF. Actually po ‘yung na-recover natin na area ay nasa 64 na, for the last three to six months and even longer,” ayon kay Morales.

Sinabi niya na biniberipika pa nila ang isa pang napaulat na insidente ng ASF sa rehiyon ng Davao.

“Kasalukuyan po na bina-validate natin ‘yan, may tao tayo sa ground (We are currently validating it, we have people on the ground), collecting samples, and we’re waiting for the result of the samples,” dagdag niya.

Samantala, ipinahayag din ni Morales na umaasa sila sa pagbabakuna laban sa ASF, gamit ang bakuna mula sa Kuala Lumpur University sa Thailand.

“We are seeing a light at the end of the tunnel, walang namatay dun sa trial po na animals… Ngayon sa area, nag-survive po Asec e, so we will see, we have high hopes,” ang kanyang pagtatapos.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.