DA: Kailangan pa ring mag-import ng pork kahit may ASF vaccine na

0
167

Kailangan pa ring mag-angkat ng karne ng baboy sa kabila ng pag-apruba ng bakuna laban sa African swine fever (ASF), ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Lunes, Hunyo 26.

Kamakailan lamang ay inirekomenda ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang Vietnamese-manufactured na bakuna para sa approval ng Food and Drug Administration (FDA).

“Sa supply natin, kailangan pa rin nating mag-import ng ilang karne ng baboy hanggang matapos ang taon. Pero dahil sa pag-develop ng bakuna, makakaasa tayo na magpapatuloy ang ating programa para sa repopulation,” pahayag ni DA assistant secretary Arnel De Mesa.

“Batay sa aming mga datos, hindi na natin kailangang mag-import ng ganun karaming karne kumpara noong nakaraang taon,” dagdag pa niya.

Ayon kay Arlene Vytiaco, Assistant Director ng BAI, kapag naaprubahan na ang bakuna, magiging available ito sa iba’t ibang packaging. Mayroong 5 at 10-dose packaging para sa mga maliit na backyard farmers at 50-dose packaging naman para sa mga commercial growers.

“Sa aking kaalaman, mayroong tatlong packaging. Isang five doses, isang 10 doses, at isang 50 doses. Maaaring magkakahalaga ito ng mga 600 pesos kada dosis,” pahayag ni Vytiaco.

Nilinaw rin ni Vytiaco ang mga ispekulasyon na hindi kakayanin ng bansa ang sapat na bakuna para sa populasyon ng mga baboy. Sinabi niya na hindi lahat ng baboy ay babakunahan.

“Ang mga bakuna ay maaaring ibigay lamang sa mga baboy na may edad na 6 hanggang 10 linggo, partikular na sa mga growers,” paliwanag ni Vytiaco.

“Ang bilang na 600,000 ay para sa taong ito. Sa susunod na tatlong taon, bibigyan tayo ng isang milyong dosis kada taon,” dagdag pa niya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo