DA: Mag ingat sa pagbili ng frozen meat sa wet market

0
239

Nag abiso ang Department of Agriculture (DA) sa publiko hinggil sa posibleng panganib ng mga frozen meat na ibinebenta sa mga wet market dahil sa posibleng kontaminasyon ng mga bacteria.

Sa mga mamimili, itinuturo ng DA na suriin ang tatak ng National Meat Inspection Service (NMIS) upang masiguro ang kaligtasan ng pagkain.

Bilang karagdagan, nagbigay ng babala si Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano sa mga nagtitinda at nagbebenta ng frozen meat sa mga wet market. Ayon kay Savellano, dahil sa kakulangan ng mga facility para sa refrigeration at kawalan ng kaalaman ng mga vendor, maaaring magkaroon ng kontaminasyon at bacteria sa karne, na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao.

Upang tugunan ito, plano ng DA na makipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI) upang alisin ang mga mapanganib na frozen products sa public wet markets.

Ayon sa DA Administrative Order 6-2012, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng frozen meat sa mga wet market, at ito ay pinapayagan lamang sa mga hotel, restaurant, at supermarket na may sapat na refrigeration facilities at kaalaman sa wastong paghawak ng mga frozen products.

Sa kabilang banda, iniimbestigahan din ng DA ang mataas na presyo ng manok sa merkado kahit na bumababa na ang farmgate prices.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo