DA: Mahigit na 500,000 MT ng imported rice inaasahang darating sa Disyembre at Pebrero

0
2281

Inaasahang darating sa bansa ang mahigit na 500,000 metriko toneladang imported na bigas mula Disyembre hanggang Pebrero, ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Roger Navarro, Officer-in-Charge for Operations.

Hindi magkukulang sa suplay ng bigas ang Pilipinas dahil sa inaasahang dagdag na shipment ng imported na bigas. Ayon kay Navarro, aabot sa 76,000 metriko tonelada ng bigas mula sa Taiwan at India ang inaasahang darating bago matapos ang Disyembre 2023 at sa simula ng Enero 2024.

“Natanggap namin ang mga ulat na may mga 100,000 toneladang imported na bigas na dumating na sa bansa. Ito ay bahagi ng 495,000 metriko toneladang ipinromisa ng mga may permit na mag-import kay Secretary Tiu Laurel,” ani Navarro.

Ayon sa opisyal, nagsimula nang dumating sa bansa ang mga inangkat na bigas ng pribadong sektor, na umaabot sa kalahating milyong metriko tonelada, bilang bahagi ng hakbang upang mapanatiling estable ang supply ng bigas sa gitna ng paghahanda sa posibleng masamang epekto ng El Niño phenomenon.

Samantala, nai-deliver na ang unang batch ng donasyo ng Taiwan na naglalaman ng 20,000 bags, katumbas ng 1,000 metriko tonelada ng bigas, bago mag-Pasko.

Sa huling linggo ng Disyembre hanggang unang bahagi ng Enero, inaasahang darating naman ang 75,000 metriko toneladang bigas mula sa India. Noong Hulyo, ipinagbawal ng India ang pag-export ng non-basmati na puting bigas upang palakasin ang kanilang domestic supply at mapanatili ang presyo nito. Ngunit noong Oktubre, muli itong inaprubahan ng India, kabilang ang Pilipinas, para sa pag-export ng 1 milyong metriko tonelada ng bigas.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.