DA: May sapat na supply ng bigas at karne para sa Pasko

0
482

Nagpahayag ng kumpiyansa ang Department of Agriculture (DA) kanina na may sapat na suplay ng bigas at karne ang bansa, ilang buwan bago ang Pasko.

Sa isang pahayag, sinabi ng DA na karamihan sa suplay ng bigas ay nagmumula sa lokal na produksyon ng mga Pilipinong magsasaka.

“A big chunk of the supply comes from the locally produced rice, and production of farmers will be enough to meet the demand towards the end of the year,” ayon sa DA.

Sa kabilang banda, maaaring maramdaman ang pagsasaayos sa presyo ng bigas sa merkado dahil sa epekto ng tagtuyot sa China.

“Retail prices, however, might be affected by the ongoing drought in China due to its implications in the cost of palay production, as well as the presence of rice varieties from other countries. Despite this, the DA confirmed that local production is enough,” dagdag nito.

Sa bahagi nito, dinodoble rin ng National Irrigation Administration (NIA) ang pagsisikap nito na maabot ang layunin ng administrasyon na pataasin ang lokal na produksyon.

Bukod sa pagtiyak ng sapat na suplay ng bigas, tiniyak din ng DA sa publiko na ang mga produktong karne ay makatutugon din sa mga pangangailangan sa darating na kapaskuhan.

Noong Setyembre 20, ang kasalukuyang presyo ng sariwang pork kasim ng Metro Manila ay PHP300 kada kilo; PHP 370 kada kilo para sa sariwang pork liempo; at PHP180 kada kilo para sa fully-dressed, whole chicken.

Samantala, nakipagpulong din ang DA sa Poland Chargé d’affaires kanina upang talakayin ang pagpapahusay ng kalakalang pang-agrikultura, partikular sa mga produktong manok.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.