DA: OFWs na apektado ng pandemya makauutang ng puhunan para sa agribusiness

0
620

Nagbukas ang Department of Agriculture (DA) ay may programang pautang na eksklusibo para sa mga migranteng manggagawa na pinauwi dahil sa pandemya at gustong makipagsapalaran sa agribusiness.

Sa pamamagitan ng programang Agri-Negosyo (ANYO) ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC), natulungan ng DA ang 108 na dating overseas Filipino worker simula noong pumutok ang pandemya dalawang taon na ang nakararaan, ayon kay Executive Director Jocelyn Badiola sa isang virtual briefing kahapon.

“We have lent over PHP40 million to repatriated OFWs through the ANYO Program. Those who lost their jobs abroad due to the pandemic were granted loans to pursue agribusiness as a new means of income,” ayon sa kanya.

Sa kasalukuyan, nagpoproseso ang DA ng 58 pang aplikasyon.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga OFW sa mga embahada sa kanilang mga host country para magtanong tungkol sa programa kung uuwi na sila at gustong magsimula ng agribusiness, ayon sa kanya.

Ang ANYO ay inilunsad noong 2020 upang magbigay ng mga pautang na walang interes, kabilang ang para sa maliliit na magsasaka at mangingisda at mga rehistradong micro at small agri-fishery enterprise, gayundin ang mga sole proprietor, partnership, korporasyon, asosasyon, at kooperatiba.

Ang mga kwalipikadong borrower ay may karapatan sa maximum na PHP300,000 habang ang mga rehistradong micro at small enterprise, depende sa kanilang mga asset, ay maaaring humiram sa pagitan ng PHP300,000 at PHP15 milyon.

Ang mga pautang ay babayaran hanggang limang taon nang walang collateral at interes, ayon sa DA-ACPC.

Ang ACPC ay nilikha noong 1986 sa bisa ng Executive Order 113 upang tulungan ang DA sa pag-synchronize ng lahat ng mga patakaran at programa sa kredito bilang suporta sa mga priority program nito.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.