DA: Posibleng hindi tumaas ang presyo ng baboy sa Christmas holiday

0
416

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) noong Lunes na mas maliit ang posibilidad na magtaas ng presyo ng baboy sa panahon ng Christmas holiday, dahil sapat ang supply nito.

Sa isang briefing ng Laging Handa, sinabi ni DA Deputy spokesperson Rex Estoperez na hindi nila inaasahan ang significant price adjustments.

“Sa ngayon, wala pa tayong nakikitang pagtaas ng karne ng baboy, kasi marami nga, kahit frozen. Kaso nga hindi ‘yan ‘yung preference ng ating mga kababayan. Iyong bagong katay ang preference nila,” dagdag niya.

Sinabi ni Estoperez na kahit tumaas ang presyo ng baboy ay minimal lamang ito.

“Ayaw naming mag-speculate pagdating ng kapaskuhan. Medyo konting pagtaas pero hindi naman sana ‘yung pagtaas na masyadong malaki,” ayon sa kanya.

Sinabi ng DA na nananatiling mataas ang supply ng frozen at sariwang karne ng baboy sa merkado.

Samantala, ang mga presyo ng frozen na baboy ay nanatiling mas mababa kaysa sa mga bagong katay.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo