DA: Sapat ang supply ng pagkain para sa pagsalubong sa Bagong Taon

0
192

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na sapat na suplay ng mga pangunahing pagkain sa mga pamilihan sa bansa sa Bagong Taon.

Ayon sa DA, patuloy ang monitoring sa mga pamilihan upang masiguro ang sapat na suplay ng bigas, karne, gulay, isda, at prutas.

Ang DA, kasama ang mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) at mga Local Government Units (LGUs), ay naglalakbay sa mga pamilihan upang tiyakin na mayroong sapat na suplay ng pagkain para sa mamamayan. Ang hakbang na ito ay naglalayong mapanatili ang presyo ng mga produkto sa kabila ng mataas na demand sa holiday season hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon.

Binabantayan ng DA ang malalaking palengke, kung saan isinasagawa ang masusing pagsusuri sa suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin. Ang koordinasyon ng DA sa DTI at National Price Coordinating Council ay patuloy upang masiguro ang pagiging estable ng suplay at presyo ng lokal na mga produkto at upang maiwasan ang labis na pagpasok ng mga imported na kalakal sa pamilihan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo