DA umangkat ng 21,000 toneladang sibuyas para sa Pasko

0
194

Umangkat ang Department of Agriculture (DA) ng humigit-kumulang na 21,000 metric tons ng sibuyas mula sa iba’t ibang bansa upang tugunan ang mataas na demand ng sibuyas sa panahon ng Kapaskuhan

Ayon sa Bureau of Plant Industry (BPI), nanggaling ang 17,000 metric tons ng pulang sibuyas at 4,000 metric tons ng dilaw na sibuyas sa China, India, at Netherlands.

Ang bulto ng inangkat na sibuyas ay naaayon sa konsumo ng bawat Pilipino, ayon sa BPI.

Layunin ng DA na magkasubi ng buffer stock upang mapanatili ang presyo ng sibuyas habang hinihintay ang peak harvest mula Marso hanggang Abril 2024.

Inaasahan ang pagdating ng inangkat na sibuyas sa Pilipinas bago matapos ang buwan ng Disyembre.

Sa ngayon, ang umiiral na presyo ng pulang sibuyas ay P140 hanggang P180 kada kilo.

Umaasa ang BPI na bababa ang presyo pagdating ng imported onions.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo