Dadanas ng isolated rains ang PH ngayong Miyerkules sanhi ng LPA

0
153

Makakaranas ng isolated rain showers o thunderstorms ang kalakhang bahagi ng bansa sa Miyerkules, ayon sa pinakahuling update ng panahon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kabilang ang Eastern Visayas, Caraga, at Davao regions sa makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa labangan ng isang low-pressure area (LPA) na dating Tropical Depression Queenie, ayon sa weather bureau.

Ang localized thunderstorms ay magdudulot ng isolated rain showers sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Samantala, katamtaman hanggang sa malakas na hangin at katamtaman hanggang sa maalon na karagatan ang iiral sa hilaga at kanlurang bahagi ng Luzon. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.