Daddy, Mommy, tatlong anak natusta dahil na nag overheat na ebike

0
1230

Pozorrubio, Pangasinan. Nasunog ang mag-asawa at tatlo nilang anak matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay bandang alas tres ng madaling araw kahapon.

Kinilala ni SFO4 Randy Fabro, acting municipal fire marshall ng Bureau of Fire Protection ng Pozorrubio, ang mag- asawa na sina, Mark at Dixie Villanueva, at ang tatlo nilang anak na edad 6, 2 at 1 taong gulang.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng Fire bureau, sa garahe ng bahay nagmula ang sunog. Hinihinalang sanhi ito nag- overheat na ebike na naiwang naka- charge.

Magkayakap ang limang mag- anak ng matagpuan ng mga bumbero ang kanilang mga bangkay, ayon sa ulat ni Fabro. 

Ipinapayo ni Fabro na huwag kailanman iwanan ang baterya na nagcha-charge magdamag o habang wala sa bahay. Kung kailangan ng bagong baterya, bumili ng brand na kagaya ng iyong e-bike. Kapag ang baterya ay sumirit o may kakaibang amoy, agad itong tanggalin sa sasaksakan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.